Friday, January 13, 2017


Nakapunta ka na ba sa ibang bansa?Sa anong mga kontinente ka na nakabisita?Kung oo,ito ba ay sa Asya,Africa,North at South America,Antartica,Oceania o Europa?Ngayon,samahan ninyo ako na tuklasin ang isa sa mga kontinenteng ito,ang Aprika.

Ang Aprika ay isa sa mga malalaking kontinente sa daigdig.Kung pupunta ka dito ay makikita mo na sobrang bagal ng kanilang mga pamumuhay dahil talamak dito ang kahirapan.Naging isyu din dito ay ang diskriminasyon,dahil sa kanilang maiitim na kompleksyon.

Ngunit ako lamang ay may isang tanong,paano kaya tumanggap ng mga bisita ang mga Aprikano sa kabila ng klase ng kanilang pamumuhay?Ito ba`y sinauna pa o nagbago na sa paglipas ng panahon?Sabay-sabay natin itong alamin.


© Roving I
Base sa aking pag-aaral,ang mga Aprikano ay likas ng magiliw sa panauhin.Ito ay isa na sa kanilang mga kultura.Handa nito asikasuhin ang kanilang mga bisita kahit ito pa ay ibang lahi.
Kung may mga bisita silang taga ibang bansa ay mas nagiging magiliw pa ang mga ito dahil para sa kanila,mahalaga ang pakikisama sa tao.Ikinatutuwa ng mga dayuhan ang kanilang ugaling ganito kung kaya`t mas tinatangkilik ng mga tao na pumunta dito dahil akala nila,kapag isa kang Aprikano,isa ka ng masamang tao dahil sa panahon ngayon,sila ang nagiging dahilan ng mga kaguluhan sa daigdig.


Bukod sa kanilang magaling na pakikisama sa kapwa ay kilala ang Aprika sa kanilang masasarap na mga putahe.Base sa aking mga nababasa sa mga magasin,kapag daw ikaw ay bumisita sa mga lugar dito,kahit hindi ka Aprikano ay aalukin ka nila ng mga pagkain.At kung wala silang pagkaing nakahanda ay agad silang gagawa ng paraan upang magkaroon ng makakain ang kanilang mga bisita kahit papaano.



At huli,kung ikaw ay pupunta sa mga lugar tulad ng:Cape Town,Mambasa,Victoria at Kololi,ay agad na sasalubong sa`yo ang mga Aprikano na nakasuot ng makukulay na damit at nagdaraos ng pagtatanghal tulad ng pagsasayaw,pagkakanta at pagtatambol.
Isa sa mga kultura sa Aprika ay ang pagkahilig nila sa mga musika at kasiyahan.Sila ay likas ng masiyahin sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan sa kanilang buhay.



Alam kong hindi pa sapat ang mga impormasyon na aking ibinigay,kung kaya`t inaanyayahan ko kayo na kayo mismo ang pumunta doon at tumuklas kung papaano sila tumanggap ng kanilang mga bisita sa kanilang mga lugar.Sinisigurado ko sa inyo na hindi sila dapat katakutan at sinisigurado ko rin sa inyo na sulit ang inyong pananatili dito.


Reperensya:www.Wikipedia.com


No comments:

Post a Comment